Get Help (Tagalog)

Choose Your Language:

               

Mga Serbisyong Legal sa Pandarayuhan

Legal na tulong para sa mga usaping pandarayuhan para sa mga dayuhan na may mababang kita

 

Ang mga pagsangguni ay sa pamamagitan ng pakikipagtipan lamang.

Kung kayo ay nakatira sa DC, mangyaring tawagan ang aming tanggapan sa DC sa 202-387-4848.

Kung kayo ay nakatira sa Virginia, mangyaring tawagan ang aming tanggapan sa Fairfax sa 703-444-7009.

Kung kayo ay nakatira sa Maryland, mangyaring tawagan ang aming tanggapan sa Silver Spring sa 240-594-0600.

Ang Ayuda ay naglalayon na magbigay ng libreng mga serbisyong legal kapag posible. Kaya namin na magbigay ng libreng mga serbisyong legal sa pandarayuhan, kabilang na ang mga pagsangguni, sa mga indibidwal dahil sa mga pondong kaloob na aming natatanggap.

Kung hindi namin kayang magbigay ng serbisyo nang libre, ang singil ng Ayuda para sa legal na pagsangguni ay $100. Kung hindi ninyo kayang magbayad, mangyaring humingi na ipaubaya ang mga legal na singil ng Ayuda.

Sa paghahanap ng abogado sa pandarayuhan, mag-ingat sa mga di-abogado o mga “notaryo” na hindi pinapayagan na magbigay ng mga serbisyong legal sa pandarayuhan. Kung kayo ay naniniwala na kayo ay biktima ng pandaraya sa inyong kaso sa pandarayuhan, mangyaring makipag-ugnayan sa Proyektong END sa 202-552-3604.

Mga Serbisyo Para sa Karahasan sa Loob ng Tahanan & Batas Pampamilya

Legal na tulong sa D.C. para sa mga nakaligtas sa karahasan sa loob ng tahanan, pwersahang pagpugay sa puri, o sinusundan nang pahilim

Klinika sa DC Para sa Magpakonsulta Nang Hindi Nangangailangan ng Pakikipagtipan: Ang Ayuda ay nag-aalok ng klinika para sa magpakonsulta nang hindi nangangailangan ng pakikipagtipan para sa mga residente ng DC na nakaligtas sa karahasan sa loob ng tahanan, pwersahang pagpugay sa puri, o sinusundan nang palihim.

Kung kayo ay nakatira sa DC, nakaligtas sa karahasan sa loob ng tahanan, pwersahang pagpugay sa puri, o sinusundan nang palihim, at nangangailangan ng legal na tulong para sa kustodiya ng inyong mga anak, suporta sa anak, diborsiyo, kautusan para sa proteksiyon ng mamamayan, o inyong mga karapatan bilang biktima ng krimen, tumawag sa (202) 387-4848, (833) 422-0005 o dumaan sa aming tanggapan sa DC sa oras ng trabaho.

Oras ng operasyon:

  • 9:00 NU – 12:00 NH
  • 1:00 NH – 4:00 NH

Legal na tulong sa Maryland para sa mga nakaligtas sa karahasan sa loob ng tahanan, pwersahang pagpugay sa puri, o sinusundan nang palihim

Kung kayo ay nakatira sa Maryland na nakaligtas sa karahasan sa loob ng tahanan, pwersahang pagpugay sa puri, o sinusundan nang palihim, at nangangailangan ng tulong para sa kustodiya ng inyong mga anak, suporta sa anak, diborsiyo, kautusan para sa proteksiyon ng mamamayan, o inyong mga karapatan bilang biktima ng krimen, tumawag sa (240) 594-0600 sa oras ng trabah

 

Oras ng operasyon:

  • 8:30 NU – 12:00 NH
  • 1:00 NH – 4:00 NH

Mga Serbisyong Panlipunan Para sa Mga Biktima & Nakaligtas

Mga serbisyong panlipunan sa Distrito ng Columbia para sa mga biktima at nakaligtas

Ang pamamahala ng kaso at/o mga serbisyo sa paggamot ay nakahanda para sa mga biktima ng pandarayuhan at mga nakaligtas sa karahasan sa loob ng tahanan at pwersahang pagpugay sa puri. Ang mga dayuhan na biktima sa pangangalakal ng tao at abuso o pagpapabaya sa bata ay maaari din na maging karapat-dapat para sa mga serbisyo sa pamamahala ng kaso.

Kung kayo ay nakatira sa DC, mangyaring tumawag sa (202) 387-4848, magpadala ng teksto sa (833) 422-0005 o bumisita sa panahon ng aming oras ng dalaw, Lunes hanggang Biyernes, mula 9:00 nu hanggang 4:00 nh para sa karagdagang impormasyon.

Kung kayo ay nasa kagyat na panganib tumawag sa 9-1-1 o sa Pambansang Tuwirang Linya ng Telepono Para sa Karahasan sa Loob ng Tahanan sa 1-800-799-7233.

Mga serbisyong panlipunan sa Virginia para sa mga biktima at nakaligtas

Ang pamamahala ng kaso at/o mga serbisyo sa paggamot ay nakahanda para sa mga biktima ng pandarayuhan at mga nakaligtas sa karahasan sa loob ng tahanan at pwersahang pagpugay sa puri ng kababaihan. Ang mga dayuhan na biktima sa pangangalakal ng tao at abuso o pagpapabaya sa mga bata o ay maaari din na maging karapat-dapat para sa mga serbisyo sa pamamahala ng kaso.

Kung kayo ay nakatira sa Virginia, mangyaring tumawag sa (703) 444-7009 sa tuwing may trabaho nang Lunes hanggang Biyernes mula 8:30NU hanggang 5:00NH.

Kung kayo ay nasa kagyat na panganib tumawag sa 9-1-1 o sa Pambansang Tuwirang Linya ng Telepono Para sa Karahasan sa Loob ng Tahanan sa 1-800-799-7233.

Mga serbisyong panlipunan sa Maryland para sa mga biktima at nakaligtas

Ang pamamahala ng kaso at/o mga serbisyo sa paggamot ay nakahanda para sa mga biktima ng pandarayuhan at mga nakaligtas sa karahasan sa loob ng tahanan at pwersahang pagpugay sa puri. Ang mga dayuhan na biktima sa pangangalakal ng tao ay maaari din na maging karapat-dapat para sa mga serbisyo sa pamamahala ng kaso.

Kung kayo ay nakatira sa Maryland, mangyaring tumawag sa (240) 594-0600 sa tuwing may trabaho nang Lunes hanggang Biyernes mula 8:30NU hanggang 4:30NH.

Kung kayo ay nasa kagyat na panganib tumawag sa 9-1-1 o sa Pambansang Tuwirang Linya ng Telepono Para sa Karahasan sa Loob ng Tahanan sa 1-800-799-7233.

Tulong sa Inyong Wika

Kayo ay may karapatan sa libreng tagapagsalin-wika sa tuwing pupunta kayo sa tanggapan o ahensiya ng pamahalaan ng DC.

Maaari din kayong magkaroon ng karapatan sa mga dokumento sa inyong wika. Kung kayo ay hindi nabigyan ng tulong sa inyong wika, makipag-ugnayan sa Tanggapan ng Karapatang Pantao ng DC [http://ohr.dc.gov/] sa (202) 727-4559.

Marami din libreng abogado, tagapaglingkod-bayan, at tagapagtanggol sa bahaging Washington, DC na inatasan na gumamit ng libreng tagapagsalin-wika na makikipagtulungan sa inyo sa inyong wika.

Kung ang inyong abogado o tagapaglingkod-bayan ay hindi nagbibigay ng tulong sa inyong wika, tawagan ang Ayuda sa (202) 243-7317 upang subukan na makakuha ng libreng tagapagsalin-wika.